spin around this garden of hope ;



Saturday, October 28, 2006 @ Saturday, October 28, 2006

Matapos ang napaka-HABANG panahon mag-uupdate na rin ako. Sa wakas natapos na rin ang second quarter. Sobrang nakakapagod tong quarter na toh. Sobrang dumami ang mga homeworks, projects, long tests, graded recitations, at mga practice sa mga sayaw at plays. Sa wakas... Tapos na rin ang SOBRANG hahabang mga periodical examinations na SOBRANG kulang sa oras. Tapos isang maikling sem break na ewan...
English- grabe, yung project namin dito.. isang booklet at cd na may movie... Ewan... Haay, todo cram naman ako... Grabe... Yung test dito... sobrang haba.... kulang sa time... Bagsak na naman... Pag napasa ko toh, himala na lang
Chemistry- ang hirap ng problem set.. Pero buti na lang magagaling group mates ko... Si Sir Naicol... Ma-mimiss ko siya. Kahit ganun siya. Hehe... Kasi naman.
Araling Panlipunan- Ayos lang. Ang hirap ng long test! Grabe... Tapos yung speech ko pa wala pa... haaay... ang dami ko pang iintindihin... Yung exam, mas madali kesa sa long test pero bagsak pa rin ako
Filipino- no comment.
Physics- Grabe, 3 lang pumasa. Maawa naman kayo SIR!!! Gawin niyo na lang over 30 :) Tapos yung mga long test grabe... wala pa akong pinapasa... God help me...
Stat pa pala - ewan, bagsak din ako. Kulang din sa oras. Tapos bagsak din lahat ng quizzes.
MAPEH-ang daming projects... May pyramid... May waray-waray tapos may Belgium pa. Grabe naman, nakakainis naman xa...
Math- haaay... ang hirap... bagsak na rin ako :((
ewan... puro bagsak naman lahat eh
ang masaya lang sigurong nangyari ay yung field trip. Ang saya. Hehe... Kasama namin sa bus yung bec kaya lang may 11 na nag sacrifice ( banding ata) Kasama namin sa bus sila Sir Ian, Sir Lorenzo at unfortunately si Sir Bocato... (ang sama ko) KJ kasi xa... Ayun, si Sir Ian grabe. Videoke KIng. Tapos dun sa resort naman si Sir Lorenzo at Sir Estacio. Hehe :) Kaya lang ex rated yung videoke. Masaya talaga yung nasa bus. hehe syempre dahil sayo.
sige hanggang dito na lang ako. Sobrang nahihilig na talaga ako sa mga kapamilya shows... Na-addict na talaga ako... Deal or no Deal hanggang sa Crazy for you pinapanood ko... Haay... Sana may makakuha na ng 2 million dun. Sa Super Inggo naman, naku hinawakan nung halimawa sa banga yung paa ni Budong! No!!! Makakalabas na ata xa :( Pinaka na-adik talaga ako sa Maging Sino ka Man... AStig.... Tapos sa PDA, may multo raw... Hala... Tapos yun yung Crazy For You... Ewan... Hehe :)) Sige nood pa ako ng 7th expulsion night... patay si michelle... Sana naman wag... Hehe :) Sige bye.


Sunday, August 13, 2006 @ Sunday, August 13, 2006

Hay salamat, tapos na ang kalbaryo natin. Tapos na rin ang mga periodical test, at kasunod na niyan ang mga masasaklap na resulta ng mga toootoot na test na yan. Nauna na Physics, sana makapasa ako kahit papaano. Tapos yung Chemistry pa. Grabe, baka makick out na talaga ako sa QueSci. Ay naku, bahala na si God. Kwento na lang ako sa mga nangyari. Medyo matagal na kasi akong hindi nakakapag-update tapos yung last update ko wala pang kwenta.
School- Bagsak na talaga ako. Good luck na lang sa akin.
Projects- sobrang daming projects. Buti na lang lahat tapos na. Sana. Kasi balita ko kahapon wala pang Physics magazine. Hindi pa natatapos. Paano na yan? Sa monday na pasahan nun? Haay, sorry groupmates kung wala akong naitulong masyado.
Kaibigan- Ayos naman, masaya. Hehe... Salamat nga pala sa lahat.
Iyak- Nakakainis hindi ko napigilan sarili ko. Naiyak ako. Iyakin talaga ako. Nakakainis naman kasi nun. Hindi ko alam. Malay ko. Lagi na lang. Pero ngayon ayos na. Haay naku naman... Oo nga hindi naman masama yun pero kasi gusto ko pag umiyak ako hindi kita. Ay ewan. Nakaraan na yan, kalimutan na.
Service- Nakakatuwa sa service. Hindi na katulad ng dati na hindi masyadong close. Kahit na sabihin na isip bata pa kami pero at least masaya. Lahat na ata ng pwedeng laruin sa loob ng service ni Tito Ven nagawa na namin. Seven Up, Balot- balot, Siopao-Siomai-Cheeseburger, Tito mo Tita ko, pusoy dos, tong it, agawan baraha, shagidi shagidi sha popo, pass the message, tutubi, and etc. Masaya talaga. Sa service nawawala yung stress ko at minsan nakakalimutan na yung mga problema ko. Salamat talaga mga service mates. Marami akong mga iniisip nitong mga nakaraang araw, ilan mga walang kwenta, I mean lahat talaga walang kwenta. Nakakainis lang kasi... Clue na lang kung ano yung mga yun.
- isang kaibigan na ewan. Haay, nakakainis minsan kasi ewan ko. Para bang ewan ko talaga.
- isang kaklase na "best friend" pero siyempre hindi si best friend to ah. Nakakainis siya, OA sa kahit na anong bagay. SOBRA kaya minsan nakakainis talaga. Tapos yung reactions pa niya. Haay naku... Kaasar.
- isang taong ewan ko na naman. Kasi parang ang laki ng kasalanan ko dito lalo na nung nakausap ko yung isang tao na malapit sa kanya. Parang ang sama-sama ko talaga. Sorry sa lahat.
- isang tao na wala namang kaugnayan sa akin. Wala lang.
-isang sa mga taong pinaka-mamahal ko. Sorry talaga sa lahat ng mga nagawa ko at mga magagawa ko pa. Sorry talaga. Babawi na lang ako
- isang tao na kapamilya ko. Actually buong pamilya ko. Hindi ko kasi maiwasan na maiinggit sa ibang pamilya lalo na nung nabasa ko yung isang libro. Pero ewan ko siguro ganun lang talaga sila...
- isang kaibigan na unti-unti ng napapalayo sa akin. Dati-rati lagi kaming nag-uusap. Ngayon hindi na masyado. Feeling ko nga naiinis na siya sa akin eh. Sorry kung ano man ang nagawa ko sayo.
-grabe, ang daming tao. Wala lang kasi napapansin ko yung utak ko kung anu-ano na yung mga naiisip ko. Kung ano kaya yung mangyayari sa hinaharap. Magigising pa kaya ako kinabukasan? Ano kayang ulam? Paano na kaya? Ano ba talaga? Kung sasabihin ko lahat ng nasa isip ko ngayon baka hindi na ako matapos kaka-type.
May naiisip na naman ako pero wag na lang...
Marami akong mga hinihinging mga signs. Signs na kung saan ewan ko. Humihingi lang ako ng mga signs na hindi ko man lang alam ang ibig sabihin. Mga signs na walang kwenta pero marami lang akong mga nararamdamang kakaiba. Maraming mga signs na sadyang hindi napapansin o talaga hindi pinapansin. Ah basta... Ewan ko. Ano ba tong mga sinasabi ko ngayon dito sa blog ko? Kakaiba noh? Ay ewan ko nga ba....
Best friend- Oo ikaw, alam ko marami na tayong napagdaanan at sana marami pa tayong pagdaanan. Sana wag kang bibitaw kasi ako hindi. Basta lagi lang akong nandito kahit na minsan hindi nagpaparamdam o kaya naman minsan manhid. Sensya na, tao lang. Pero bilib ako sayo, kahit na ganito ako... Ayun na yun... Ang drama ko noh? Hehe... :) Ah basta, forever talaga.
Sensya na kung ganito post ko ha. Abnormal. Parang ako. Abnormal. Sensya na, tao lang. Na-aabnormalan talaga ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit. Nakakainis. Hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat isipin. Buti na lang andyan ang mga kaibigan ko. Yung mga nagpapasaya sa akin. Yung pamilya ko na kahit kulang andyan pa rin at inaalagaan ako. Ikaw, na laging andyan kahit na masungit ako, kahit na hindi mo ako maintindihan at kahit na ganito ako... ........ At syempre si God na laging andyan kahit na anong mangyari. Salamat talaga.
Hindi pa tapos post ko. Kala niyo noh?
Naintriga lang ako sa You are the One, yung ano yung ewan ko Ano daw ba ang mas gusto mo? Yung mahalin ang taong kumukumpleto sayo o yung mahalin ng kumpleto yung taong mahal mo. Wala lang tanong ko lang bago ko tapusin tong entry na toh. Hehe :)) Pag-isipan niyo. Sige hanggang dito na lang post ko, papalit pa ako ng lay out eh. Hahanap pa ako ng mas maganda. :)


Saturday, July 22, 2006 @ Saturday, July 22, 2006

Grabe, ang tagal ko bago nag-update. Record breaking ito. Magkwekwento na lang ako ng mga pangyayaring natatandaan ko...
Comment muna ako sa school year na toh. Totoo nga pala talaga na third year ang pinaka-mahirap na year level sa QueSci. Parang wala pa akong natututunan tapos 2 linggo na lang bago mag periodical test! Grabe... Ang bilis ng araw. SOBRA! GOD HELP ME!!! Tapos tambak yung mga projects namin. Sobra. Sabay-sabay lahat. Kaya nga ang daming problema. Magazine sa Chem at Physics, presentation at chorva sa Mapeh, 20 famous persons at applications sa math. Grabe na talaga ito... Tapos kung anu-ano pang mga minor chorva. Sobrang loaded na talaga kami ngayon... Ang hirap!!!
Bagong service mates- nakakatawa mga service mates namin ngayon. Alam niyo kung bakit? Wala lang. Masaya lang kesa dati kasi mas close kami sa isa't-isa. Para kaming one big family na laging napagtritripan si Aaron Agtarap. Hehe. Peace tayo. Ayun, tapso lagi kaming naglalaro parang mga bata. Ang saya kasi lalo na yung Seven Up. Tsaka yung Black Jack with lipstick. Ayun. Wala lang. Happy birthday nga pala Joshua (ano nga ulit apilido mo) Libre namin ha... Joke lang. Kaya lang may isang outcast.
Ayun, first time kong mag-absent nung ewan. Nakalimutan ko na kung kelan. 2 araw lang akong pumasok. Haay grabe. Nagkasakit kasi ako eh.
Kaibigan- masaya ako sa kanila sobra. Pero baka may isa ngang mawala. Wag naman sana. Pero sana nga wag talaga pero kung yun talaga yung gusto ni God wala tayong magagawa. Basta ang mahalaga yung magpansinan pa rin tayo hindi tulad ng ibang mga kaibigan diyan. Hindi na namamansin. Kala ko ba we will make this year worthwhile? Hindi naman pala. Parang nung last year din. Nasayang lang friendship natin. Pero kung mas masaya ka sa mga kaibigan mo ngayon. Di sige, go...
Kanina, nanood kami ng play. Ang ganda. Chinoi title. Nakakatuwa na ewan. Ah basta. Oo nga pala, ang strict nila ha. Kahit na maganda yung play kung ganun naman nila itrato yung audience nila grabe talaga pero ayos lang. Medyo na-ano naman ako kasi kung i-treat nila kami parang hindi namin alam kung paanong mag behave sa loob ng isang theater. Haay... Pero overall naman maganda.
Change- Change is the only constant thing in the world. Pero bakit andyan yung mga constant nila Planck, Bohr, Rydberg at kung anu-ano pa? Joke lang. Pero seryoso na talaga. Nakakainis lang kasi yung mga tao sa paligid mo nagbabago para bang hindi mo na sila kilala. Parang ibang tao na sila. Ewan ko nakakabanas lang talaga. Pati yung mga close sayong tao nararamdaman mo na unti-unti ng lumalayo sa iyo. Nakaka-miss lang sila. Baka naman kasi nakakasawa lang ako. Kaya ganun. Oh well that's life.
Paglalaslas- Hindi ko maimagine sarili ko na maglaslas kasi una masakit yun. SOBRA. Mahapdi lalo na kapag dumugo ng sobra. Hindi ko maisip kung paanong nasasabi ng mga tao na mahal nila si God pero nag-trytry silang magpakamatay. Ang gulo lang kasi diba bigay sa atin ni God yung life natin. Tapos temple ng Holy Spirit yung katawan natin kaya dapat alagaan natin ito tapos sasaktan lang? Diba? Kung may problema sana sinasabi hindi tinatago sa sarili tapos mamaya mag-cucutter. At kung gusto mo talagang magpakamatay, ituloy mo na. Wag na yung palogiy-ligoy pa. Kasi naman hindi ako naniniwala na may tao talagang gustong magpakamatay. May timing lang yan... (ang gulo noh? Never mind na lang) Tsaka syempre sa buhay hindi naman kailangan na lagi na lang sarap kailangan may sakit din kasi hindi ka matututo lalo na kapag pinatay mo sarili mo. Lahat ng problema binigay ni God as trials, para i-test lang tayo. Pagkatapos ng trials andun na yung mga rewards. Kaya hindi nating kailangang sumuko kaagad sa isang problema maliban na lang kung kakailanganin talaga. Sabi nga eh MAY MGA LABANG KAILANGANG ISUKO AT IPATALO. Pero syempre dapat tuloy pa rin yung laban sa buhay kasi kapag hindi wala lang. Ah basta. Yung isang laban lang na hindi mo pwedeng isuko ay yung pakikipaglaban sa buhay. Pero bakit kaya ganun? Ano ba talaga ang paglalaslas? A way of escaping the problem or a way to share the problem? Kasi merong mga tao na naglalaslas tapos ndi namamatay. Marami yan. Pag naglaslas ka at namatay ka syempre wala ka ng problema sa mundo pero sa kabilang buhay, malaki problema mo. Kapag naman ndi ka namatay, makikita yung sugat mo. Kailangan mong itago. At pag nakita, tatanungin ka ng parents mo, kaibigan mo, o kaya kahit na sino. Kahit ndi man nila itanong syempre sa utak nila iniisip nila kung bakit kaya? Ano bang maganda o masarap sa pananakit sa sarili? Ewan ko? Ewan ko talaga. Kung kayo nasasarapan kayo sa hapdi ng sugat ako hindi. Bakit ko ba naiisip toh? Kasi naman nung isang araw nangilabot talaga ako nung makita ko yung scar at ewan sa kamay ng kaklase ko. Grabe talaga. Nakakapanghina. Ang weird eh. Bigyan niyo ako ng 1,000,000,000,000,000,000,000,
000,000,000,000,000,000,000,000 reasons kung bakit masaya o masarap maglaslas at pag nabigay niyo (ung reasonable at valid lang ha) gagawin ko rin yun. Kasi naman, kung may problema sana sabihin na lang. Wag na lang idaan sa pag-cucutter ng sarili. Kasi kadiri tingnan. Yuck... (arte eh) Pero hindi ako naiinis sa taong naglaslas. Naiinis lang ako sa paglalaslas tsaka sa mga taong naglalaslas na talagang gusto ng mamatay.
GC- Totoo nga pala yung sinabi ni Sir Allas. Na pag nasa Avo GC talaga except sa kin pero minsan GC rin ako lalo na kapag mababa ka sa subject na pinaka-gusto mo. Halimbawa, member ka ng YSG tapos bumagsak ka sa Physics or Chemistry. Diba parang masakit yun sa loob mo kasi only the best tsaka yung may potential na maging scientist yung mga andun eh. Pero hindi tamang iyakan yun. Sabi nga eh DON'T CRY OVER A SPILLED MILK. Ang magandang gawin dito, punasan mo yung milk tapos kumuha ka ng bago. Yung mas masarap. May pag-asa pa noh! Kaya natin yan. At kapag hindi kinaya, good luck na lang pero kakayanin natin yan...
Best friend- masaya lang kasi nagiging mas close pa kami kesa dati. Sana nga magtagal pa. Hehe... Wala akong masabi. Sorry kung... (alam mo na yung nandito) Thankyou sa lahat... at (. .... ...) Yun lang... Ingat parati. <3
Sige hanggang dito na lang. Wala na akong masabi eh...


Sunday, May 21, 2006 @ Sunday, May 21, 2006

Sorry kung ngayon lang ako ulit nakapag-update ng blog. Kadarating ko lang ngayon galing sa Zambales. May company outing kasi sila mama. Kwento ko na
lang kung ano mga nangyari...
Kahapon, ginising kami ng 3.30 pero bumangon ako ng 3.45 kasi maga pa mga mata ko. Tapos bihis ng pang-alis tapos alis na kami dito sa bahay papuntang office. Kami nga yung pinaka una sa bus eh. Buti na lang. Hehe... Tapos kain lang muna ng empanada. Masarap naman siya kaya lang hindi kasing sarap nung empanada ng Red Ribbon. Ayun, dating na rin yung mga staff, engineers, drivers and etc. together with their families. Nahuli nga sila Mang Fred eh. Kala ko hindi na sila sasama. Nakita ko ulit si Janna, yung best friend kong mag-fifive years old sa June. Kakaiba siya ngayon kasi usually lagi siyang galit sa amin pag una pero ngayon, nakangiti na siya pero hindi pa rin niya kami kinakausap. Bumalik ang closeness namin nung bumaba kami sa Shell para umihi. Breakfast namin yung pandesal na may Chicken na palaman sa loob tsaka Chuckie. Hehe... Finally nakarating na rin kami. Medyo matagal nga lang kami nag stay sa lobby ng White Rock para makapag check in kami. Room 313 yung room namin. Ang malas ng number noh? Pero maganda naman siya. 2 yung kami tapos may 2 extra bed. Kasama ko si Gaile at si Jay. Hehe... Kawawa naman si Jay jay kasi sa sahig siya natulog. Tapos bihis na ng pangswimming at diretso na sa dagat. Maganda yung beach. Kaya lang makati. Pagkatapos sa beach yung main pool naman yung pinuntahan namin. Kala nga namin bawal yung t shirt at shorts nun pala hindi. Yung de-color lang pala yung bawal. Tapos picture (2x), swimming ulit. Si Lloyd (tama ba spelling?) yung matabang anak nila Ate Minda nag-dudunk sa ring sa may poolside. Hehe, muntik ng mabali yung ring (peace) tapos tumatalon sa pool kaya naubos yung tubig. Tapos ahon na tsaka shower. Lunch na sa Sunset Cafe kaya lang hindi masarap pagkain. Spinach with octopus tsaka liempo na matigas at matabang. Masarap lang ata yung kanin, ice tea, soup at yung dessert na gelatin at macaroni. Tapos tulog sandali. Nung magswiswimming na ulit biglang sumakit yung paa ko. Ang engot ko kasi, mag-exercise ba naman sa tapat ng aircon. Adik, pinasukan ng lamig yung paa ko. Hindi ako makalakad ng mabuti. Tapos pinasama pa ako para magbantay ng mga gamit habang nagswiswimming yung mga kapatid ko. Tapos naglakad pa ako ng isang kilometro papuntang Plaza Grill/Bar para naman sa dinner. Napaiyak ako sa sobrang sakit. Kala ko nga mapuputol na paa ko (exaggerated lang talaga ako). May live band performance tsaka mga pang-international dancers pa. Hindi siya masaya. Tapos ayun, balik na sa kwarto tulog na. Maaga akong nakatulog. Siguro 9.00 tulog na ako dahil sa epekto ng efficascent (tama ba spelling?) oil. Tapos mga 12.30 nagising ako ulit kasi naman may nagbibinggo sa labas. Kaasar, naka-mike pa talaga sila ha. Pero buti na lng at nakatulog din ako. Kinabukasan, (ngayon) ginising kami ni Mama ng 8.00. Hindi na masakit paa ko. Yes! Hehe, medyo na lang. Kain kami ulit dun sa kinainan namin kagabi. Kaya lang iba naman yung menu. Scrambled egg tsaka adobong manok. Tapos fruits (papaya, pakwan at pinya) yung dessert. Ayun, tapos balik sa room para magbihis na ng pang-swimming. Pagdating namin sa main pool, kami yung unang tao. Tapos napagdiskitahan namin yung malaking salbabida. Hehe, umupo kami dun at kung anu-ano pa. Kaya lang dumating na si Lloyd kaya ayun, nawala na naman yung tubig sa pool. Joke lang ulit. Tapos ang dami ng tao kaya naligo na ako. Habang nagswiswimming pa sila, nagduyan muna ako habang nanonood ng team building program chuva ever. Ayun tapos bumalik na ako sa room namin at nahiga sandali tapos nag-ayos na ng mga gamit, damit at chorva. Tapos umalis na kami sa hotel.
Sa bus naman, nanood kami ng So Close. Kala ko nung una boring nun pala hindi. Ang ganda. Astig. Oo nga pala, nung papunta kami sa Zambales nanood naman kami ng White Chicks. Napanood ko na siya dati pero hindi ko nasimulan. Nakakatawa talaga yung movie na yun. Sa So Close naman, hehe, astig talaga. Wala akong masabi. Medyo brutal nga lang itsura nung namatay sa una at sa huli. Tapos bumabaa kami sa Chow King para sa lunch. Ready na yung food kasi kung kanya kanya, sobrang tagal nun. Siguro humigit kumulang 54 kaming lahat. Grabe. Ayun, masarap naman. Pagkatapos kumain, nagpunta kami sa Free Port ba yun? para sa mga chocolates and chorva. Ayun. Tapos umuwi na kami.
Kanina sa simbahan nakita ko si Baqx (tama ba spelling ko?). Nine, hello! Wala lang. Hehe... Tumaba siya in fairness, bakit ako hindi? Tapos nakita ko si Dinky (yung ka-service ko sa SanLo dati) nag-iba na talaga yung itsura niya. Nagustuhan ko yung homily ng pari kanina. Sabi niya THE WORLD IS NOT ALWAYS PRACTICAL, LOGICAL, PRAGMATIC. SOMETIMES, YOU NEED TO LOOK BEYOND WHAT'S LOGICAL TO BE TRULY HAPPY. Ayun, tapos umuwi na kami at kumain na kami. Tapos kanina, mag-sheshake sana kami ng Avocado kaya lang sira yung blender kaya avocado con yelo na lang yung ginawa namin at pinangalanan namin itong Papa's Fruit Shake. Hehe... In fairness, ang sarap niya.
Kanina tinawagan ko siya, galit na naman, siguro nagtatampo lang. Sorry talaga :'( ... Sorry... Babawi na lang ako...Hehe, sana (:
Malapit ng mag May 24. Excited na ko. Hehe, sana maging masaya.
Isa pang kanina, confirmed na raw yung June 2-4. Sana naman maganda dun. Excited na rin akong makita ulit si Janna (Sana wag ka ng masungit pag nagkita ulit tayo). Hindi na ito isa pang kanina. Yung problema dati, buti na lang hindi pala problema talaga. Buti na lang. Pero paano kung problema nga talaga? Haay, sana naman wag. Kung kelan maayos at masaya na ang lahat... Magkakaproblema pa...
Sige hanggang dito na lang ako. Babayu... Ingat na lang sa inyong lahat. Good night. :)



Thursday, May 18, 2006 @ Thursday, May 18, 2006

Oo nga pala, nakalimutan kong mag-update tungkol sa enrollment at sa iba pang mga bagay...
May 10- Enrollment ng mga third year students...
Maaga kaming dumating ni mama sa school. Siguro bago mag-9 nandun na kami. Naiinis pa nga ako sa kanya kasi sobrang aga namin. Pagpasok ng gate sobrang peaceful. Kala ko wala pang tao pero mali pala ako. Sobrang dami na nila. Buti na lang at pinasingit kami nila Yza. Thank you Yza. Ayun, tapos nakita namin si Angel. Binati namin? Tama ba? Binati nga ba? Ewan ko. Kasi yung tatay niya na yung papalit kay Ma'am Cavo (naks, ang galang ko). Ayun tapos naglakad lakad kami hanggang sa nakabalik na kami ng court at nakita namin si Nine. Nakakatuwa lang kasi na-miss ko talaga si nine kahit na sobrang magkalapit lang yung mga bahay namin. Pero ang layo talaga ng bahay nila. Ang taas kasi ng aakyatin eh. May malaking aso pang nakaharang sa daan. Ayun tapos nakita na namin si Audrey. Kaya lang hindi na sila napasingit kasi ewan ko nga ba. Ayun. Chikahan muna kami nila Audrey at Yza. Tapos dumating si Lindsay. Lalo pa soyang tumaba (Joke lang pero totoo) . Tapos yung mama niya, si Tita Carol nga ba yun? (FC ko... naalala ko lang kasi yung nagdala ng KFC yung daddy niya nung birthday niya, la lang... Naalala ko din may FCng bakla dun eh...) Japorms. Mukha siyang teenager. Hehe... Ayun tapos ay tinawag na kami kasi kami na yung susunod. Nakita ko ulit si best friend namin ni Audrey... Si Ma'am something ewan, nakalimutan ko na. Ayun tapos ay nagbayad na kami ng 800. Buti na lang at sinama na yung sa STEP payment. Ayun, tapos picture taking. Tapos nagpunta na kami sa conference hall. Yes! Adviser namin si Sir Alas. Hehe... Totoo ba yung rule na pag may isa kang bagsak sa kahit na anong subject ay ma-kikick out ka na? Haay naku naman... Wala na talaga akong pag-asa. Ayun, tapos nagpunta kami ng coop para bumili ng uniform at mga libro. Tapos nakita na namin si Audrey at umalis na kami papuntang SM. Sayng nga lang at hindi ko SIYA nakita.
Tapos nagpunta kami ni Mama sa Annex para bumili ng sapatos. Una sa Itti kami pumunta kaya lang walang maganda. Tapos sa Hush Puppies kaya lang sobrang mahal. Ayun, nag Jollibee na lang kami para bumili ng meryenda. Tapos umuwi na ako.
May 11- Birthday ni Tita Imee at si Ella ba o si Ianna?
Happy Birthday sa inyong dalawa! Miss na kita Tita! Umuwi na kayo dito sa Pinas. Hehe...
May 13- Nasira ang pinto ng bahay namin. Actually yung lock lang kaya hindi kami naka alis papunta sa probinsya. Ayun tapos inayos ni Papa. Inabot siya ng 3 oras para ayusin yung pintuan. Kala ko nga nagkagalit sila ni Mama kasi umiyak ata si Mama eh...
May 14- Mother's Day
Binigay namin yung mother's day card na pinagpaguran naming i-print. Hehe... Ayun, nagsimba muna kami tapos sinabay namin sila Jasper, Kyla at Tita Dottie sa kotse. Astig tala si Cueto. Hehe, kwela. Ang saya talaga. Kaya nga lang aalis ata si Tita Dottie papuntang ibang bansa. Kawawa naman sila... Ayun, masaya naman sa probinsya. Naki-fiesta kami sa hindi kilalang tao. Tapos masarap yung pagkain. Ayun. Tapos tinulungan namin si Papa na mag linis ng kotse. Steeeg!!! Kaya lang sa gulong lang kami kasi baka daw magasgas yung kotse niya. Hehe... Tapos maglinis, nagbasaan kami. Hehe... Masaya pero nakakapagod.
May 17- Shopping...
Sinundo kami ni Kuya Danny dito kahapon siguro mag-fifive yun. Six na ata kami nakarating ng SM. Sorbang nakakapagod pero masaya. Hehe... Kumain kami sa Tokyo Tokyo. Sana sa Kenny Rogers na lang kami kumain. Hindi na kasi masyadong masarap kumain dun pero nabusog pa rin naman. Siguro mga 10 na kami nakarating dito sa bahay.
Kala ko galit na naman pero buti na lang hindi... Hehe... Haay, thankyou talaga ha... Miss na kita...
Malapit ng mag may 24. Astig....
Sa May 20-21 tuloy na ang pagpunta namin sa Zambales. Sana masaya.
Sige hanggang dito na lang ako... Wala na akong matype eh... :)


Friday, May 12, 2006 @ Friday, May 12, 2006

Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update, tinatamad kasi akong mag-update eh. Hehe... Kahapon, nagmeeting kami sa McDo. Dapat sana lahat pupunta para sa first meeting namin ngayong summer pero unfortunately 3 lang kaming nakapunta. Late na akong nagising kahapon. Siguro mga 8.30 na. Eh 30 minutes yung papunta ng SM mula dito. Nasakin pa naman yung kopya ng IP namin. Tapos hindi ko pa nakita yung bababaan namin kaya lumagpas kami at naglakad kami ng ate ko (kasama ko nga pala siya kasi sabi ng nanay ko) ng isang kilometro. Ang layo grabe. Pag dating ko sa McDo kala ko wala ng meeting kasi wala silang lahat dun. Kanina pa kasi tumatawag si Jessica sa akin pero hindi ko sinasagot kasi nasa jeep pa ako. Tsk. Tsk. Tsk. Pero buti na lang meron pala. Ayun. Inayos naming dalawa yung mga dapat baguhin sa paper namin. Yung mga i-eedit dapat. Tapos gumawa kami ng speech. Hehe... "Hello, good morning po. Ako po si (name) ng Quezon City Science High School. Mag-iinquire lang po kami kung meron po kayong alam na mapagkukuhanan ng slugs. Para po sana sa Investigatory Project namin for Third Year." Tapos dumating si Joshua. Hinulaan namin kung anong oorderin niya. Syempre, Hot fudge sundae. Tapos nagpaiwan si Joshua sa McDo. Kaming dalawa ni Jessica ay naghanap ng pay phone sa Cyberzone. Tapos narating namin yung PLDT. Kailangan daw yung touch card. Hehe... Bumalik kami sa tindahan ng mga cards at bumili ng isa. Ayun, sa dami ata ng natawagan namin na-memorize na namin yung password at yung code something. Ganito lagi...
Jessica: (speech)
tao: ha anong hinahanap niyo?
Jessica: Slugs po...
tao: Ano? Spell mo nga?
Jessica: S L U G S
tao: ano yun?
Jessica: Para pong snails na walang shell.
tao: wala try niyo dito...
Lahat ng ata ng departments, bureaus, agencies pati mga companies dealing with pest ay natawagan na namin. Pero wala pa rin kaming nahanap na slugs. Haay, good luck na lang sa amin. Maghuhunting na lang kami. PAgkatapos naming tumawag ay nakasalubong namin si Joshua. Humihingi kami ng 50 pesos para sa funds pero nagpahabol pa siya bago niya tuluyang ibigay. Hehe... Ayun. Sobrang nakakapagod pero masaya.
---------------------------------------------------
Natuwa ako sa kanya kasi kilalang-kilala na niya talaga ako. Pati mga kaibigan kilalang kilala na rin niya. Hehe... Nakakatuwa lang talaga. Ang galing mo talaga...
---------------------------------------------------
Lagi akong masaya kasi... Basta... Hehe... Haay... Malapit na... Haha... :))
Sorry Yza, hindi ako nakapunta sa outing. Sorry talaga. Next time na lang siguro. Salamat na rin sa invitation.
---------------------------------------------------
Naku, may problema na naman, pero hindi pa sigurado pero feeling ko problema na naman. Hindi naman kasi nawawala yan sa buhay eh. Sana lang mali ang hinala ko... Sana naman...
---------------------------------------------------
Sige, hanggang dito na lang ako. Maglalaro muna ako ng Crash Bandicoot. Haha... Addict na talaga ako... Ingat sa inyong lahat. Bye... :D


Monday, May 01, 2006 @ Monday, May 01, 2006

Last night I decided to update my blog but I can't find the right words. I'm not used to speaking English but I'll try my best.

Investigatory Project: Other groups have started their methodologies. I hope our group? will start doing it. I don't know if you can call it a group because only two people are doing their jobs namely Jessica, our group leader, and CJ, our defender. I believe that is unfair for the two members who are doing all the difficult part of our project. I hope I could help them... I can't help them in the technical parts because I didn't learn anything in ADVANCE TEHNICAL WRITING! I don't know how come I got a grade of 92 in the fourth quarter. Maybe it's because of them. I'm so sorry. I wish I could do better to help. I’m trying to find someone who could actually give us slugs. My sister told me that her classmate has one. I hope she’s not lying.

Enrollment: The enrollment is nearing... Yes! I could see my friends again. I hope we would see each other in the enrollment. Do we really need birth certificate for this?

Outing: Oh no! Our trip to Zamboanga? or Zambales? is not going to happen. I hate it.

Fiesta: Last Sunday, April 30, 2006 we celebrated the feast of San Roque. We prepared different dishes of Chicken and pork. Our visitors decreased by 50 percent. I don't know why. Except for the singing drunkards until 4 am in the morning, the fiesta went out fine. Unfortunately all of our cousins can't visit us because of their different appointments. I hope to see them again even though we're not close to one another.

Last Monday April 24, 2006 is one of the happiest moments of my life… (he he he) I can’t say it here but my friends know it.

Best friend: Hello! I can’t say anything to you anymore because I told the things I wanted to tell you in (on?) the phone. I hope you will not forget that. I hope that we will last longer and if possible forever?.


@ Monday, May 01, 2006



Profile.

Ma. Victoria A. Tiangco. .Bec. .Vicky. .Vic. .hoy. .uy. .psst. .kuya. .best friend. .jack hammer. .blue jay. .Saint Claire School. .Colegio de San Lorenzo. .Quezon City Science High School. .Becquerel-1. .Avogadro-2. . Ms. Melissa Colosaga. .Mrs. Marilou Bustria. .basa ng libro. .Kapamilya. .Pinoy Big Brother . .Only You. .Sa Piling mo. .Princess Lulu..The Buzz. .Game Ka na Ba. .Deal or no Deal. .Super Inggo. .Maging Sino ka Man. .Pinoy Dream Academy. .Crazy for you. .basa ng libro. .Dan Brown. .Angels and Demons. .Da Vinci Code. .J.K. Rowling. .Harry Potter 1-6. .Bob Ong. .Stainless longganisa. .ABNKKBSNPLAKO. .Paboritong libro ni Hudas. .Paulo Coelho. .The Alchemist. .Lurlene McDanielle. .John Grisham. .A Time to Kill. .The Client. .Lois Lowry. .The Giver. ..Number the Stars. .Telebabad. .Text. .091628727**. .Sulat. Kain. Ice cream. .Cookies and Cream. .Double Dutch. .Lasagna. .Carbonara. .Tubig. .Coke. .Sprite. .McDo. .Cheese Burger. .Twister fries. Float. .Burger McDo. .Kaibigan. .SMB. .Ako. .Audrey. .Yza. .Catleya. .Lindsay. .Claudette. .Jessica. .Angel. .Joyce. .Ramapeticus. .and others. .Best Friend


Links.

Aenar. Airelle. Angel. Angelo. Armina. Ayien Audrey. Bea. Carla. Cassa. Chii. CJ. Ina. Jamayca. Joyce. Katrina. Myra. Orlie. Patricia. Shara. Yvette. Yza. Ate ni Yza.

Tagboard.

Credits.

Layout: I
Fonts: I
Image: I
Brushes: I II
Box Codes: Kriss